search result

Image and video hosting by TinyPic

Saturday, April 23, 2011

Mensahe From Mt. Banahaw

Gusto lang po itong i-share ang mga mensahe mula sa Bundok Banahaw ilan taon na rin ang nakalipas.
ipina encode kasi ito saakin kasi raw ipapa Xerox Copy upang ipamahagi.
Naisipan ko I-Post na rin ito dito.
Isinama ko na rin ang Original Copy sa pamamagitan ng Screen Shots.
ang mga nangingis Espiritual ay Madaling nilang mauunawaan ang mga nilalaman ng mga mensahe ito.

note: hindi ko nais na kayo ay iligaw sa inyong paniniwala.

A.

Alay sa Inang Bundok Banahaw
June 01, 1996

Dumating:
San Fracisco
San Antonio
Nstra Sr. Dela Soledad
Inq ng Awa
Tatlon Persona
Sagrada Familia
St. Hinulid
Peñafrancia
San Vicente

MENSAHE:
Taglay ng tao ang Krus ng buhay, Taglay ng tao ang Pagtitis, taglay ng tao ang paghanap upang mabuhay ditto sa mundo, ikaw paglapat ng hangin sa iyong murang katawan sinasagot mo ba ang hirap at hanggang ikaw ay magka-isip at tumanda. Ang salitang hirap ay nasa iyong pagkatao, kaya tao, ano ang inaangal mo nasa iyong pagkatao diba nangako ka kaya tuparin mo ang hirap at sakripisyo ng krus ng buhay.

Nagsisimula palang kayo sa tunay na sakripisyo. Lalo ninyong tatagan at tibayan ang sakripisyo ninyong sinimulan, tunay na darating kayo sa takdang panahon ito dahil laganap ang kasalanan. Ang marurunong walang kaayusan, kami ay natatakot na wala kaming madaklot sa bandang huli ng inyong katinuan. Baka pagdating ng araw lahat kayo ay matataino peri saying dahil ito ay kabiguan ang mga pananaliksik ay iwasan ninyo dahil masama ang magaganap sa taong nagdudunung-dunungan pero ito ay nang-gagaya lamang, huwag kang hahanga sa taong maingay dahil ito ay walang alam. Kung ano ang napagkasunduan ito ay mahalin lamang.

Ito lang ang lagi ninyong isa-isip at gawin Linisin ang kalooban at pag-iisip, magtiwala kayo sa inyong Gawain at tunay na pananampalataya sapagkat sila ay laging sa tabi lang ninyo at nagmamasid sa mga dapat maganap kaya ang bilin ko nagsisimula pa lang kayo papunta sa panangumpay kami ay maghihintay sa makakaganap at malaking kabiguan sa mga ma-iiwan, iwasan ang mga bagay na di ninyo pagkakaintindihan kayo ay magmahalan at magsaklolohan sa bawat pagsubok na darating magpakatatag, tibay dahil kayo ay magkakapatid sa tunay na pananampalataya umaasa ako sa inyong katibayan, katatagan, tiwala sa sarili dahil kayo ay tinawag sa pananampalataya.

Ina ng Awa
Inang Banahaw
Sto. Niño


Panahon:

Kahit kalian lagi ang bilin ay mag-iingat magpakatatag huwag mataranta sa buhay na ginagalawan, kayo ay makakaraos din sa hagupit at malungkot na panahon lagi ang Krus ay ganapin at ng ikaw ay masaklolohan at isang dalangin  sumasampalataya, upang kayo ay masaklolohan.

Medaling lumagpas ang panahon kaya bawat oras at araw ay ingyong panghinayangan magpakatatag kayo at magpakatibay, sumainyo ang pagpapala ng Poong maykapal

St. Niño

Paabot ni Inang Soledad

Tibayan ang loob at huwag mag-isip ng gante sa kaaway at ipagpatuloy ang sakripisyo

Ang luha ay hindi dapat gamitin dahil ito ay tanda ng kahinaan, tibay at tatag ng loob ang kailangan sapagkat ang pagpipili ng panginoon ng mga taong nagbabagong buhay ay sa loob lamang ng 3 tatlong taon.

Alay sa Inang Bundok Banahaw
Oct. 05, 1996

Dumating:
Ina ng Awa
Tatlong Persona
Pagkabuhay
Sto Niño
Sagrada Familya
Sagrado Corazon de Jesus
Mahal na Puso ni Jesus at Maria

Mensahe:
Sagrada Familya – Anak sa pag-ingat, magulang na taga subaybay mga inyong taga masid sa takbo ng buhay ito ang kahalagahan ng Familya pero wala na dahil nakakalimutan na ng maraming pagbabago sa buhay – Relihiyon, sayawan, pananampalataya at malikot na paniniwala. Ito ang mundo sa mga yon. Mahirap, malikot, maharot at kulang ang tibay ng pananampalataya at paniniwala sa ginagawa.

Ikaw tao dapat na magkaroon kaisipan at maniwala sa tunay pananampalataya matibay na pananalig at buo ang kaisipan. Kung ano at saan ka dapat tumango at ano ang dapat mong patunguhan sa iyong buhay.

Panahon.:
Lindol, ulan, sunog, kahirapan.
Ang taglayain pa rin sa panahong ito, kaya kaonti pang sipag at tiyaga at tatag ng loob sa paghanap buhay laging mag Rosario gabi-gabi bago matulog at ng paglumaba(n)(s) ang spiritong kulang ang paniniwala ay huwag kayong madamay, ganoon din sa ibang bansa dadanas na rin sila ng kahirapan sa lahat ng bagay, dahil damay-damay kayo na dadanas ng hatol ng Amang ating (Panginoon) pinanggalingan iisa lang yon kundi ang nagbigay sa atin ng buhay dito sa lupa.

Mga sakit inyong paglabanan huwag kayong matakot dahil ito ay kapwa tao mo lang tatag at tunay na paniniwala sa Dios, Uolitin ko tibay ng pananampalataya at pagmamahal sa intong kapwa at malinis na hangarin sa buhay.
Huwag ninyong pababayaan na wala man lang kayong sapin o balot sa inyong katawan lupa pag –iingat at kababaan ng loob. Taglayin sa mga panahong ito.

Ina ng Awa
Sto. Niño

3.

Alay sa Inang Bundok Banahaw
Sept. 21, 1997
Sto. Niño – B-day

Dumating:

Sto. Niño
Sagrada Familya
Sto. Rosario
Inang Fatima
Inang Animasola
Medalya Milagrosa

Mensahe:

Tulad ninyo nagdusa rin ako, tulad ninyo naghirap din ako, tulad rin ninyo nagtiis din ng dusa kaya ikaw na tao tatagan mo ito pero makakaraos ka din sa suliranin na ito.

Kaya tatag at lakas ng loob ang katapat nito ang gamitin mo dahil ito ang puhunan mo para mabuhay ka sa mundong ito, Tao lahat na ito ay taglay, mo buhat ng isilang ka sa mundong ito dahil ang luha mo ay sumpa mong binitiwan iyan para gumanap ka sa buhay mo.

Ito ang sago tang lahat na Espiritu ay lumalaganap lahat ay susubukin nito lalo na sa kakulangan ng pananalapi at kamunduhan, ito ay lalaganap pero huwag kayong matakot. Ito ay lahat ninyong mairaraos sa takbo ng buhay dahil ito ay sasagutin ng inyong paniniwala at matibay na pananalig sa Dios. May darating na Relihiyon – ito ay may sariling Dios. Ito ay sakit ng maraming tao pero pakakaingat kayo dahil ito ay bulaan siya ay sinugo sa tao para magkagulo kayo, ito ay magaganap na at ito rin ang susukat sa inyo kung papaano kayo maniwala o manalig sa kanya dahil ito ay simula ng pagtawag sa atin para sa paniniwala sa kanya kaya pakaka-ingat kayo dahil ito ay nasa tabi din ninyo totoo ang panahon ay hindi na tatagal pa. ito ay nalalapit na dahil ito ay ginagawa ng tao kaya ingat malakas na paniniwala at matibay na pananalig sa kanya.
Panahon na ano pa ang nais mo tao?

Panahon:

Tag-araw sa maraming lugar maraming pananim ang mamamatay at matutuyo ang lupa kukulang ang maaani ng tao dahil sa tag-araw na sasapit maraming gulo at Relihiyon ang mawawasak kaya tibay at tunay na pananalig ang gamitin ninyo, ito ang habilin ng Sto. Niño.


 






huwag mo po akong tanungin tungkol sa mga nilalaman nito dahil hindi ko po matutugunan ang iyong katanungan salamat po.

No comments:

Post a Comment

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Geovisite