search result

Image and video hosting by TinyPic

Friday, May 8, 2009

Mga Karanasang Hindi Malilimutan at mga Kuwento ng Buhay... Ibahagi mo dito...

Contribute By: Arnel (Followers ng Kabilang Blog)

Ang salaysay ko pong ito ay batay sa tunay na pangayayari sa buhay ng aking nakakabatang kapatidsa tottoo lang siya'y kasama rin sa ating gawain at lubos din ang kanyang paniniwala sa lumalang sa santinakpan.
Pero sa kadahilanang na tunay na nangyayari, lalo na kung ang paguusapan ay sarile nating pamilya na ating paglilingkuran minsan tayoy natataranta na di katulad ba na kung ang yung nililingap ay hindi mo kadugo ay maaliwalas at madali kang maka-isip ng pamamaraano kayay tulad din nang nabangit ni Mr. Guardian na ang iyong spiritual guide ang syang magsasabi kung ano ang iyong dapat gawin kaya mga kapanalig sa paniniwala at sa mga gawain...ang masasabi ko lang kung dumating ang panahon na ikaw ay bigyan ng maykapal ng kakayahan na tumulong sa ating kapwa ay hingin mo rin sa kanya na isama mong pagsilbihan ang iyong pamilya, ang ibig kong sabihin ay kaya mo rin silang bigyan ng kalunasan sa anumang karamdaman. dahil karamihan sa mga naninilbihan sa ating maykapal ay di nila kayang bigyan ng lunas ang kanilang mga pamilya dahil hindi nila ito hiniling sa may gawa ng santinakpanat kaya silay bigo sa kanilang sarileng pamilya...masarap at mahirap ang buhay ng isang tagasuyo, kaya mga kapanalig sa paniniwala at sa mga Gawain kung ikaw ay handa sa ganitong pamamaraan kapatid humayo kayo ng walang bahid alinlangan at iyong masusumpungan ang iyong minimithi pero kung nagyayabang ka lamang o gustong magpasikat na ikaw ay may nalalaman o tinatawag na dalang galling, mas mainam na kalimutan muna lang at baka mapahamak ka lamang at ikaw din ang siyang kawawa.. ibahagi ko lang po at bakit nabangit ko yung bagay na yun. minsan nangyrai late 80's may isang sumikat sa lugar namin at tunay na kinilala andaming nadayo sa lugar naming. kasama na si Manny de leon na isang artista nagpagamot din sa kanya, ipinanaganak na isang lumpo napalakad nya, nabaliw na babae dahil naliguan nya ang kanyang period napagaling din nya .. (ang galing galing talaga nya ang sabi ng mga taong nagpupunta sa kanya)
ganun sya kasikat... walang oras na di puno ang kanilang bahay sari saring tao nanduon tunay na syay kahangahanga pero di ko mawari na isang araw... nangagamot siyang kasalukuyan at sa dami ng tao sa oras na yun na may pumasok na isang tao ang sabi nya ay magpapagamot din at naupo sya sa isang sulok at maya maya ang mangagamot ay biglang nahilo at itoy nanlambot na di maintindihan at dina nya nagawa ang kanyang tungkulin sa oras na yun kaya lahat ng tao ay naghintay dahil sa layo nga naman ng kanilang pinangalingan sayang naman kung silay uuwi pa.
pero dina nya kayang tumayo at sinabing balik na sila sa ibang araw, pero ng bumalik ang mga taong yun silay bigong nagsi-uwian din dahil ang kanilang binalikan na kinilalang mangagamot nakakalungkot sabihin siya ay isa nang baliw...
Kawawang nilalang, nagmalasakit ng lahat at yun pa ang kanyang napala ( handa ba kayo sa ganito) at sabi nung kanyang anak ay inagaw ng isang mangagamot ang kanyang spiritual guide at ang taong yun ay nanilbihan ding mangamot pero di sya sumikat.
ito po ay tunay, na kung minsan ang mismong kasamahan sa paniniwala at kapanalig sa Gawain ay siyang iyong kalaban...
ewan ko ba dala siguro ng kalikasan ng tao o dahil sa malakas at makangyarihan ng espiritu ng kadiliman kaya silay nagkalat din sa santinakpan.
ingat po kayo...

Year 2007 na papasok ang 2008 January po yun (ayun sa aking kapatid)
madaling araw kasarapan ng tulog ng nakababata kong kapatid at ginuluntang sila ng palahaw ng iyak ng aking pamamngkin nataranta ang aking kapatid at bakit daw nagkaganun at nag-iiyak ang kanyang bunsong anak siguro mag iisang taon ang kanyang edad di malaman ang gagawin, at itinakbo ang kanyang mahal na bunsong anak sa malapit na hospital sa concepcion tarlac standard procedure ng hospital check up at dextrose at kung ano ano pa at finaly sasabihin na kailangan i-confine. siya ay taka kung bakit daw lumalaki ang tiyan ng bata at kaniyang inusisa, dahil sa gatas na pulbos ang kanilang nabili ay di naman expired yun nga lang ay nakalobo na ang takip. So di nila napansin yun dahil nung bilhin nila itong gatas ay gabi na't nagmamadali pa dahil pabiyahe sila ng concepcion tarlac galing nang san fernando Pampanga.
Dahil yearly ay duon sila nag ce-celebrate ng bagong taon kasama ang kanyang mga biyenan at partido ng aking hipag, On January 8 more or less ganung petsa ay ganun nga ang nangyari tinawagan nya ako at sila daw ay nasa hospital at tinanong nya ako bakit daw ganun sabi kunaman ano daw ang findings ng doktor sabi daw ay sira daw ang nabiling gatas at nag aalala ang doktor baka sya nalason pagnagkataon sabi ng doctor ay very slim daw ang kanyang tsansa na mabuhay...at ayun sa kapatid ko ng dumating ang oras din yun ang batay nag iba na ang kulay at mayamayay biglang nawalan na ng buhay at ang kanyang mahal na may-bahay ay umiyak na at inako nya ang bata, at ang pamangkin ko na walang kamuang muang ay laylay na daw ang kanyang mga kamay at ganun din ang kanyang ulo at sabi ng kapatid ko na JO (tawagan po yan ng kapampangan sa kanilang mga mahal sa buhay) wala na si angel at wala na ding nagawa ang doktor... pumanaw na ang mahal kong pamangkin, pero dahil siguro sa Spiritual Guide ng aking kapatid ay biglang pumasok sa kanyang isip yung sinabi ko sa kanya na kung dumating ang oras na may mae-encouter kang mawalan ng buhay sa iyong mga pasyente bangitin mo ang katagang ito, (ORA) pang emergency lang na kung buhay ng tao ang paguusapan at hinawakan nya ang kanyang walang buhay na anak at itoy binalik sa higaan dahil kalong kalong ng kanyang may-bahay at idniin (para bang pinipress) nya ng kaunti ang sikmura ng batang walang buhay at sabay bangit sa salitang nagbibigay ng buhay MIRUIPTUM at inihip sa ilong ng bata na kung saan dumadaan ang hiningga ng buhay pero di gumalaw ang bata inulit nya ulit sa ganung proseso di pa rin gumalaw at walang bias inulit nya pa rin dahil di sya nawawalan ng pagasa at sa laki ng kanyang paniniwala sa maykapal gumalaw at umiyak ang bata at ang kanyang maybahay ay di makapinawala at napasigaw ito.
Sa galak dagling lumapit at niyakap ang kanyang mahal na anak at pinaghahalikan At nasabi ng kapatid ko sa sarile nya na tunay na makapangyarihan ang salita ng Diyos. at sabi naman sa kanya ng kanyang maybahay isa kang tunay na pinagpala ng panginoon at ikaw ay kanyang ikinasisiya at buong pasasalamat ng kanyang asawa sa dakilang lumikha ng santinakpan at maging mga nurses at doktor ay napasugod sa kwarto ng aking pamangkin na di makapinawala sa ganunng pangyayari... at nabuo ang diwa ng aking kapatid at sa ganung oras din ay naalala nya yung sinabi kong gamot sa mga taong nalalason, (ORA) at kinuha nya ang dedeng bote n kanyang anak at binanggit nya ng tatlong beses at inihip nya sa bote ang salitang nag aalis nang lason sa katawan ng tao EQUI FRILLI BRIUM at ipinasuso sa bata at sa oras ding yun. na pagkatapos nyang maubos ang gatas sa bote ay inilabas ng pamangkin ko ang lason sa kanyang katawan at ora mismo ay lumiit ang kanyang tiyan...lubos ang pasalamat na ginawa ng kapatid ko sa lumalang sa santinakpan.

Sa DIYOS na magpakailanman at magpasa walang hanggan…. 

Last December 2008 umuwi po ako ng pinas at Masaya ako ng makita ko ang aking pamangkin…buhay at walang dungis na anomang kapansanan sa katawan…

P.S. isa lang ang napansin ko ang kulit parang si liezl_r…hehehe…



No comments:

Post a Comment

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Geovisite