search result

Image and video hosting by TinyPic

Tuesday, December 29, 2009

LIBRO -

ISBD

Sabino, Melencio T.

Karunungan ng Dios / Melencio T. Sabino. - [S.l.] : The Author, c[1955] - xii 404 p. : ill. ; 20 1/2 cm

Tagalog & Latin text. Manuscript.

Subjects- Topical Terms:
God--Wisdom.
Bible stories, Tagalog.
Faith--Cure.
Sick--Prayer-books and devotions--Latin.
Division Section - Shelving Location Call number

Filipiniana General Book Fil 231.7 Sa13k 1955

LINKS

Thursday, May 28, 2009

Visit to the Blessed Sacrament

THE APOSTLE'S CREED

1 Believe ing GOD, the Father Almighty, etc...

Viva Jesus Sacramentado. Viva todos y Amados. 5x

1 - Our Father...

1 - Hail Mary...

1 - Glory be...

1 - Hail Holy Queen...

Awit ng Pagtitiwala sa Diyos

SALMO - 91

1. Siyang naghahangad ng pagkupkop ng kataastaasan, at nananatili sa kalinga niyong makapangyarihan.

2. Makapagsasabi sa kanyang Panginoon, "Muog ka't tahanan ikaw ang akig Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.

3. Ikaw'y ililigtas niya sa panganib sa umang na bitag, at kahit ano mang mabigat na salot dimagdaranas.

4. Lulukuban niya sa lilim ng kanyang malabay na pakpak, sa kalinga niya ay natitiyak mo na ikaw ay ligtas. Iingatan niya't ipagsasanggalang, pagkat siya'y tapat.

5. Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay maging sa gagawing biglaang paglusob pagsapit ng araw.

6. Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim, di ka matatakotsa kasamaan mang araw na dumating.

7. Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampunglib, di ka matatakot atnatitiyak mong di ka maaano.

8. Ikaw'y nagmamasid at sa panonood iyon mamamasdan ay yaong masasama ay makikita pinarurusahan.

9. Sapagkatsi YAHWEH an iyong ginawang tagapagsanggalang at ang pinili mong mag-iingat sayo'y kaitaas-taasan.

10. Di mo aabuting ikaw'y mapahamak, at walang daratal kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.

11. Susuguin niya ang maraming Anghel, sila'ng susubaybay kahit saang dako ikaw maparoon, tiyak iingatan.

12. Sa Kanilang palad ay itatayo ka't silang magtataas, nang hindi masaktan ang mga paa mo sa batong matalas.

13. Kahit ang tapakan mo ay mga leon, ahas na mabagsik, di ka maaano sa mga serpyente't leong mababangis.

14. Ang sabi ng Diyos, "aking ililigtas ang tapat sa akin, iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanin.

15. Pag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan aking sasamahan at kung may hilahil ay sasaklolohan, aking ililigtas at bawat isa ay pararangalan.

16. Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay at nakatitiyak na ang tatamuhin nila'y kaligtasan.



CONSECRATION TO THE MOST HOLY TRINITY

Oh Almighty Father,
Oh Christ Jesus,
Oh Holy Spirit,
Only one in a Divine Trinit,
Creator of Heaven and Earth,
and Most Powerful of All:
I offer you all that i have -
My heart, my soul and my whole being,
Now and Forever, Amen.

Our Father...
Hail Mary...
Glory be to the Father...(3x)

This consecration to the Divine Trinity is an extract from the

leaflet of the Pertpetual Adoration of the Most Holy Trinity

which being prayed by thousands of adorers of the Blessed

Trinitty during the United Prayer hour every at nine O'clock

(9:00 p.m.) in the evening. This is done wherever you may be, but preferably in your home with the whole family with a lighted adoration candle.

Be an adorer by joining the United Prayer in honor of the Blessed Trinity and experience positive changes in your life. But before reaching the 9th day from the date you started your adoration, you should do certain goodness to at least (3) souls you will encounted.
Reproduce this prayer as many as you can afford and distribute them to your friends and associates so that others may also benefit. Adore the Most holy Trinity and if this done with consitency and fervent devotion, then it will certainly bring to you countless blessings and your most urgent needs granted.

Sis. Josie Nacario-Orbon
308-6 San Nicolas East, Iriga City

Wednesday, May 27, 2009

THE GREAT PROVIDER

DIOS

Dios co Divino, Dios co Infinito, Dios co Omnipotente, Dios co Sagreado, Dios todo Poderoso Salva mos, Salva mi, Amen.

3x or more prayers to all intention (mention your request)

DEFENDEL

(protection from evil spirit)

Defendel ene migo, Amo utra ultima hora, Pater noster benedicta, Egusom, Amen. (3x)

1 Our Father..., 1 Hail Mary..., 1 Glory be...

ORITAS AMBAS SAMARAT

(God Provides)

3x or more prayers to all intention, (mention your request)

1 Our Father..., 1 Hail Mary..., 1 Glory be...

"LORD BE WITH ME, I NEED YOU, PLEASE GUIDE ME"

3x or more prayers to all intention

Tuesday, May 19, 2009

Ang DASAL


krus

JHS
Ang dasal na ito ay nakita doon sa sepultero sa ating PANGINOON sa Taon 1909 at pinadala sa SANTO PAPA doon kay Emperador CARLOS bago ito umalis patungo sa labanan at pinadala ni SAN MIGUEL sa FRANCIA. Kung sino ang magbasa o magsuot nito ay hindi siya masunog o malunod at walang lason na tumatalab sa kanya. Hindi siya magiging bilanggo sa labanan at hindi siya matatalo.
Kung ang babae ay nasa aktong mangaganak, ipasuot niya ito at madali itong manganak. At kung isilang na ang bata o sanggol ipasuot ito o ipakwentas ang dasal sa kanang bahagi sa kanyang katawan para ito mapalayo sa lahat ng sakuna. Kung sino man ang magtaglay sa dasal na ito, walang sakit o karamdaman na makakapit sa kanya. At kung mayroon kayong sugat na makita , itong dasal sa kanan bahagi sa kangyang katawan, ito’y maghihilom agad.

Sino man ang magsulat sa dasal na ito, para sa kanyang sarili o para sa iba, bigyan ng Bendisyon ng PANGINOON. At sinuman ang manglala-it at tatawa sa dasal na ito ay maaaring mapipi o mabingi. Itong dasal kung na sa bahay, ang bahay na ito ay ligtas, proteksiyonan at mapalayo sa kidlat at kulog. Kung sino man ang magbasa nito sa bawat araw, bago siya mamatay isang banal na palatandaan ang magpapakita sa kanya.

O PANGINOON NA MAKAPANGYARIHAN
IKAW NA NAGPASAKIT AT NAGPAKAMATAY SA KRUS
DAHIL SA AMING MGA KASALANAN
O KRUS NA BANAL
IKAW ANG AKING ILAW
O BANAL NA KRUS NI JESUS
PUNUIN MO ANG AKING KALULUWA
SA MAGAGANDANG PAG-IISIP
O KRUS NA BANAL
TULUNGAN MO KAMI PARA MALIGTAS
O KRUS BANTAYAN MO KAMI
AT IPALAYO SA MARURUMING PAG-IISIP AT PANGAMBA
UPANG AKING MAKILALA ANG BANAL NA KRUS
O JESUS NAZARENO NA IPINAKO
PAGKATIWALAAN MO AKO
O BANAL NA KRUS NI JESUS
ANG AKING PAG-ASA
O BANAL NA KRUS KAAWAAN MO AKO
NGAYON AT MAGPAKAILANMAN
SA WALANG HANGGAN, AMEN….. 

PARA SA DUMALO’Y DUGO NI JESUS AT SA KANYANG MAPIGHATING KAMATAYAN SA KANYANG MALUWALHATING PAGKABUHAY MULI AT SA KANYANG LUWALHATI NA WALANG HANGGANG BUHAY, SA ISANG TUNAY NA JESUS ANG PASKO NG PAGSILANG ANG PAGPAPAKO NIYA SA BIYERNES SANTO, TULAD SA TUNAY NA JOSE AT NICODEMOS DOON KAY JESUS MULA SA KRUS SA TUNAY NA PAG-AKYAT SA LANGIT NAWA AT IPALAYO AKO SA AKING MGA KALABAN MAKITA O HINDI MAKITA MAGPAKAILANMAN, AMEN….
PANGINOON NA MAKAPANGYARIHAN, BIGYAN MO AKO NG LAKAS UPANG MA-ANGKIN SA KRUS AT SA IYO. TURU-AN MO AKO NA MAGIGING MATATAG SA LAHAT NA SAKUNA O PNGYAYARI, UPANG ANG VIRGEN AY MAGBIGAY NG BANAL NA ESPIRITU GAWIN MO SA AKING KALULUWA NA MAPUNTA SA BUHAY NA WALANG HANGGAN AMEN…………………………...

Saturday, May 16, 2009

Download Videos

note:

Ito po ay mga Personal na Collection ko lang na Gusto lang po Ishare... wala po akong intensyon na ikaw/kayo na lituhin o iligaw sa inyong paniniwala... ilan sa nilalaman nito ay maaaring taliwas sa ating paniniwala..

Ang_Liwanag_Ng_Sanlibutan_-_Pt_1

Ang_Liwanag_Ng_Sanlibutan_-_Pt_2

Ang_Liwanag_Ng_Sanlibutan_-_Pt_3

Ang_Liwanag_Ng_Sanlibutan_-_Pt_4

Ang_Liwanag_Ng_Sanlibutan_-_Pt_5

Ang_Liwanag_Ng_Sanlibutan_-_Pt_6

Ang_Liwanag_Ng_Sanlibutan_-_Pt_7

Ang_Liwanag_Ng_Sanlibutan_-_Pt_8

Ang_Liwanag_Ng_Sanlibutan_-_Pt_9

Saturday, May 9, 2009

PARA SA BAHAY BAKOD

MGA ORA. NA NAUUKOL SA ISANG BAHAY KUNG "BAGO PA LAMANG ITATAYO" O "KAHIT LUMA NA" ILALAGAY SA APAT NA SULOK NG KABAHAYAN AT SA HAGDAN....

EXETUM - salitang magbibigay buhay sa sino mang naninirahan.

EXEDEUM - salitang nag liligatas sa ano mang panganib na darating.

EXETAC - salitang namumuo sa bahay upang malayo sa kapahamakan.

SHUM - salitang nauukol para sa masamang Espirito.

AVE MINSTATE - salitang nauukol upang manatiling matibay ang isang tahanan, ilagay ito sa Ikatlong baitang ng Hagdanan.

Friday, May 8, 2009

Mga Karanasang Hindi Malilimutan at mga Kuwento ng Buhay... Ibahagi mo dito...

Contribute By: Arnel (Followers ng Kabilang Blog)

Ang salaysay ko pong ito ay batay sa tunay na pangayayari sa buhay ng aking nakakabatang kapatidsa tottoo lang siya'y kasama rin sa ating gawain at lubos din ang kanyang paniniwala sa lumalang sa santinakpan.
Pero sa kadahilanang na tunay na nangyayari, lalo na kung ang paguusapan ay sarile nating pamilya na ating paglilingkuran minsan tayoy natataranta na di katulad ba na kung ang yung nililingap ay hindi mo kadugo ay maaliwalas at madali kang maka-isip ng pamamaraano kayay tulad din nang nabangit ni Mr. Guardian na ang iyong spiritual guide ang syang magsasabi kung ano ang iyong dapat gawin kaya mga kapanalig sa paniniwala at sa mga gawain...ang masasabi ko lang kung dumating ang panahon na ikaw ay bigyan ng maykapal ng kakayahan na tumulong sa ating kapwa ay hingin mo rin sa kanya na isama mong pagsilbihan ang iyong pamilya, ang ibig kong sabihin ay kaya mo rin silang bigyan ng kalunasan sa anumang karamdaman. dahil karamihan sa mga naninilbihan sa ating maykapal ay di nila kayang bigyan ng lunas ang kanilang mga pamilya dahil hindi nila ito hiniling sa may gawa ng santinakpanat kaya silay bigo sa kanilang sarileng pamilya...masarap at mahirap ang buhay ng isang tagasuyo, kaya mga kapanalig sa paniniwala at sa mga Gawain kung ikaw ay handa sa ganitong pamamaraan kapatid humayo kayo ng walang bahid alinlangan at iyong masusumpungan ang iyong minimithi pero kung nagyayabang ka lamang o gustong magpasikat na ikaw ay may nalalaman o tinatawag na dalang galling, mas mainam na kalimutan muna lang at baka mapahamak ka lamang at ikaw din ang siyang kawawa.. ibahagi ko lang po at bakit nabangit ko yung bagay na yun. minsan nangyrai late 80's may isang sumikat sa lugar namin at tunay na kinilala andaming nadayo sa lugar naming. kasama na si Manny de leon na isang artista nagpagamot din sa kanya, ipinanaganak na isang lumpo napalakad nya, nabaliw na babae dahil naliguan nya ang kanyang period napagaling din nya .. (ang galing galing talaga nya ang sabi ng mga taong nagpupunta sa kanya)
ganun sya kasikat... walang oras na di puno ang kanilang bahay sari saring tao nanduon tunay na syay kahangahanga pero di ko mawari na isang araw... nangagamot siyang kasalukuyan at sa dami ng tao sa oras na yun na may pumasok na isang tao ang sabi nya ay magpapagamot din at naupo sya sa isang sulok at maya maya ang mangagamot ay biglang nahilo at itoy nanlambot na di maintindihan at dina nya nagawa ang kanyang tungkulin sa oras na yun kaya lahat ng tao ay naghintay dahil sa layo nga naman ng kanilang pinangalingan sayang naman kung silay uuwi pa.
pero dina nya kayang tumayo at sinabing balik na sila sa ibang araw, pero ng bumalik ang mga taong yun silay bigong nagsi-uwian din dahil ang kanilang binalikan na kinilalang mangagamot nakakalungkot sabihin siya ay isa nang baliw...
Kawawang nilalang, nagmalasakit ng lahat at yun pa ang kanyang napala ( handa ba kayo sa ganito) at sabi nung kanyang anak ay inagaw ng isang mangagamot ang kanyang spiritual guide at ang taong yun ay nanilbihan ding mangamot pero di sya sumikat.
ito po ay tunay, na kung minsan ang mismong kasamahan sa paniniwala at kapanalig sa Gawain ay siyang iyong kalaban...
ewan ko ba dala siguro ng kalikasan ng tao o dahil sa malakas at makangyarihan ng espiritu ng kadiliman kaya silay nagkalat din sa santinakpan.
ingat po kayo...

Year 2007 na papasok ang 2008 January po yun (ayun sa aking kapatid)
madaling araw kasarapan ng tulog ng nakababata kong kapatid at ginuluntang sila ng palahaw ng iyak ng aking pamamngkin nataranta ang aking kapatid at bakit daw nagkaganun at nag-iiyak ang kanyang bunsong anak siguro mag iisang taon ang kanyang edad di malaman ang gagawin, at itinakbo ang kanyang mahal na bunsong anak sa malapit na hospital sa concepcion tarlac standard procedure ng hospital check up at dextrose at kung ano ano pa at finaly sasabihin na kailangan i-confine. siya ay taka kung bakit daw lumalaki ang tiyan ng bata at kaniyang inusisa, dahil sa gatas na pulbos ang kanilang nabili ay di naman expired yun nga lang ay nakalobo na ang takip. So di nila napansin yun dahil nung bilhin nila itong gatas ay gabi na't nagmamadali pa dahil pabiyahe sila ng concepcion tarlac galing nang san fernando Pampanga.
Dahil yearly ay duon sila nag ce-celebrate ng bagong taon kasama ang kanyang mga biyenan at partido ng aking hipag, On January 8 more or less ganung petsa ay ganun nga ang nangyari tinawagan nya ako at sila daw ay nasa hospital at tinanong nya ako bakit daw ganun sabi kunaman ano daw ang findings ng doktor sabi daw ay sira daw ang nabiling gatas at nag aalala ang doktor baka sya nalason pagnagkataon sabi ng doctor ay very slim daw ang kanyang tsansa na mabuhay...at ayun sa kapatid ko ng dumating ang oras din yun ang batay nag iba na ang kulay at mayamayay biglang nawalan na ng buhay at ang kanyang mahal na may-bahay ay umiyak na at inako nya ang bata, at ang pamangkin ko na walang kamuang muang ay laylay na daw ang kanyang mga kamay at ganun din ang kanyang ulo at sabi ng kapatid ko na JO (tawagan po yan ng kapampangan sa kanilang mga mahal sa buhay) wala na si angel at wala na ding nagawa ang doktor... pumanaw na ang mahal kong pamangkin, pero dahil siguro sa Spiritual Guide ng aking kapatid ay biglang pumasok sa kanyang isip yung sinabi ko sa kanya na kung dumating ang oras na may mae-encouter kang mawalan ng buhay sa iyong mga pasyente bangitin mo ang katagang ito, (ORA) pang emergency lang na kung buhay ng tao ang paguusapan at hinawakan nya ang kanyang walang buhay na anak at itoy binalik sa higaan dahil kalong kalong ng kanyang may-bahay at idniin (para bang pinipress) nya ng kaunti ang sikmura ng batang walang buhay at sabay bangit sa salitang nagbibigay ng buhay MIRUIPTUM at inihip sa ilong ng bata na kung saan dumadaan ang hiningga ng buhay pero di gumalaw ang bata inulit nya ulit sa ganung proseso di pa rin gumalaw at walang bias inulit nya pa rin dahil di sya nawawalan ng pagasa at sa laki ng kanyang paniniwala sa maykapal gumalaw at umiyak ang bata at ang kanyang maybahay ay di makapinawala at napasigaw ito.
Sa galak dagling lumapit at niyakap ang kanyang mahal na anak at pinaghahalikan At nasabi ng kapatid ko sa sarile nya na tunay na makapangyarihan ang salita ng Diyos. at sabi naman sa kanya ng kanyang maybahay isa kang tunay na pinagpala ng panginoon at ikaw ay kanyang ikinasisiya at buong pasasalamat ng kanyang asawa sa dakilang lumikha ng santinakpan at maging mga nurses at doktor ay napasugod sa kwarto ng aking pamangkin na di makapinawala sa ganunng pangyayari... at nabuo ang diwa ng aking kapatid at sa ganung oras din ay naalala nya yung sinabi kong gamot sa mga taong nalalason, (ORA) at kinuha nya ang dedeng bote n kanyang anak at binanggit nya ng tatlong beses at inihip nya sa bote ang salitang nag aalis nang lason sa katawan ng tao EQUI FRILLI BRIUM at ipinasuso sa bata at sa oras ding yun. na pagkatapos nyang maubos ang gatas sa bote ay inilabas ng pamangkin ko ang lason sa kanyang katawan at ora mismo ay lumiit ang kanyang tiyan...lubos ang pasalamat na ginawa ng kapatid ko sa lumalang sa santinakpan.

Sa DIYOS na magpakailanman at magpasa walang hanggan…. 

Last December 2008 umuwi po ako ng pinas at Masaya ako ng makita ko ang aking pamangkin…buhay at walang dungis na anomang kapansanan sa katawan…

P.S. isa lang ang napansin ko ang kulit parang si liezl_r…hehehe…



Saturday, April 25, 2009

mensahe From Kinabuhayan - Mt. Banahaw



= SUSI SA PUSO =
Handa na ba kayo oras na pa kayo ay kausapin ko. Ano-ano ang ginagawa ninyo sa Lupa ako na ang harapin ninyo dito.

= 3 uri lang ang kalalagyan sa langit =
Langit paraiso kaunti ang kasalanan
Parang manok na sisiyap-siyap kalahati ang kasalanan. Malayong malayong lugar Palakang kokak ng kokak ang kahihinatnan.
Abang sa kinabukasan Talaarawan ng-aabiso para maayos kayo
1. PAGTANGGAP SA PAGSILANG BINYAGAN
2. PAGSISIMULA PAG-AARAL, PAGKATO, PAGSUNOD
3. PAKIKISALAMUHA SA TAO PAGKITA SA MATUWID
4. IDILAT ANG MATA SA NAKITA LUMAYO SA PAGKAKASALA
5. BATAS NG DIYOS MAGSUKLIAN MAG-IBIGAN TAYO
6. GUMANAP NG TUNAY NA TAO ITAYO ANG PAGKATAO
7. HUSTUHIN ANG TIMBANG AT HUWAG MANDAYA
8. MAGING ALISTO NG HINDI MAPAGBINTANGAN
9. PANAHON NA NGAYON NG ESPIRITO SANTO
10. BATAS NG DIYOS UNAWAAN KABABAAN MAKABULUHAN
11. TUMUPAD SA SUMPA AT SA IYONG MGA IPINANATA
12. KAYA NAGKAKAROON NG KAPARUSAHAN DAHIL SAKAPABAYAAN
13. DI BALING MA-IGSI ANG SALITA MAKATOTOHANAN LANG
14. KAYA MAHALAGA ANG BAGAY AY KUNG NAWALA NA
15. KUNG MAY PAGSIKAT AY MAYROON DING PAGLUBOG
16. MATALIK NA KAIBIGAN MAHIGPIT NA KAAWAY
17. ANG PAG-IBIG SA ISANG TAO NAKIKITA SA SALITA DI GAWA
18. IPAGLABAN ANG SARILI KUNG IKAW AY NASA MATUWID
19. SAMPUNG (10) BESES ISIPIN AT PAG-ARALAN BAGO ITO GAWIN
20. ANG SINUNGALING AY KAPATID NG MAGNANAKAW
21. MAHIRAP HUMANAP NG MAPAGKAKATIWALAAN MAG-INGAT
22. MADALING MAGING TAO, MAHIRAP MAGPAKATO
23. ANG TAO HANGGANG MAYAMAN MARAMING KAIBIGAN
24. KUNG ANO ANG MAGAGAWA MO NGAYON HUWAG IBUKAS PA
25. PILIIN ANG PAGKAKATIWALAAN SA TUNGKULIN PWESTO
Papel Kasulatan ingatan xerox palaging iwanan 

Kayo ay nalalagay sa tungkulin gawin ang magagawa sa pinagkatiwala sa inyo
26. ANG PAGGALANG SA TAO NAKIKITA SA DAMIT
27. KUNG MAY DILIM LIWANAG AY DARATING
28. ANG NAGKASALA AY PARURUSAHAN BAGO PATAWARIN
29. DI DAPAT PADALA SA TAMIS NG DILA ITO’Y HUWAD
30. HAYAANG MANINDIGAN SA KANYANG KAKAYAHAN 
31. PANALO KAYO SA LUPA, SA PUWESTO KO KAYO’Y TALO
32. TUMUPAD SA TUNGKULIN IPINAGKALOOB NG DIYOS
33. TUMUPAD SA PINAG-USAPAN AT KASUNDUAN
34. ANG IMPORTANTE ANG DINIDINIG NG DIYOS
35. ANG WALANG KABULUHAN AY DI NIYA TINUTUGON
36. UGALIING MAGSINDI NG KANDILA SA TUWING MAGDARASAL
37. ANG MANANG SALAPI AY NAUUBOS KAYA PAG-INGATAN
38. ANG DIYOS AY NAKAKAUSAP AYON SA PANINIWALA
39. HUWAG PABUYO SA PAG-IBIG PAG-ARALAN MABUTI
40. HUWAG MAGING MAINIT SA TAWAG NG KAMUNDUHAN
41. MAGPAKALIGAYA KAYO SA BUHAY PERO INYONG ISAAYOS
42. MAGING MABUTING TAO SA ISIP SA SALITA AT SA GAWA 
43. NASA UNA ANG PAGSUBOK NASA HULI ANG TAGUMPAY
44. ANG UTANG NABABAYARAN MASAMANG SALITA DI MALILIMUTAN
45. ANG DIYOS AMA ANG SASAKYAN NG MGA TAO TUNGO SAPARAISO
46. ANG MAHAL NA BIRHENG MARIA ANG INYONG MAKAKASAMA 
47. ANG BUGTONG NA ANAK MAGAHAHATID SA INYO SA PARAISO
48. ISAKATUPARAN NG MGA TAO ANG MGA MENSAHING ITO 
49. PAG-SISIHANG ANG NAGAWANG MGA KASALANAN HABANG BUHAY 
50. DINIG KO ANG DASAL NINYO PINAGBUKSAN KO NA KAYO NG PINTO KO
Oras ay ginto huwag mag aksaya ng panahon

ARAL NG DAKILANG MANGGAGAMOT

BAKIT KA NARIRITO?

Naririto ka sapagkat pinadala kita ditto, anak. Naririto ka para mamulat ka sa katotohanan- katotohanang matagal mo nang iniiwasan at binabale-wala. Ang sakit mong nararamdaman ngayon ay hindi parusa kungdi tanda ng AKING pagmamahal, para hindi ka malayo sa AKIN, at daan lang para ma-alala mo AKO muli.

GUSTO MO BANG GUMALING?

 Kung kagalingan ang hanap mo, handa AKONG tumulong. Nakasalay ngayon ang iyong kagalingan sa tatlong (3) bagay, na hihilingin KO sa iyo.

ANU-ANO ANG MGA DAPAT MONG GAWIN?

 UNA - Magdadasal ka ng siyam (9) na araw, sa loob ng simbahang katoliko, araw-araw, walang patid, maski na sa anong oras, sa bawat araw. Bawa’t araw na ginagawa mo ito ay – 1) lumilinaw ang iyong kaisipan, 2) nababawasan ang iyong karamdaman, at 3) nababawasan ang iyong mga kasalanan. Ito’y tanda ng ATING muling pagkilala sa isat’t-isa; isang panibagong simula patungo sa pagkakaroon NATIN ng ISANG TUNAY NA RELASYON.

 PANGALAWA – Babaguhin mo ang iyong ugali o katauhan. Babaguhin mo ang iyong masamang isip, maruming salita at maling gawa. Ito’y tanda ng iyong totoong pagsisikap na linisin at baguhin ang iyong sarili, bilang handog sa AKIN tuwing ikaw ay haharap at makikipag-usap sa AKIN sa iyng pagdarasal.

 PANGATLO – Sa taos-puso mong pagsisisi sa iyong mga kasalanang nagawa; sa taimtim mong pagdarasal at pagsambit ng AKING PANGALAN; at sa pagtupad mo sa AKING mga SAMPUNG UTOS; ito’y tanda na seryoso kang nagbabalik-loob sa AKIN.

 TANDAAN MO ANAK – ang taos-puso mong pagsisisi sa iyong mga kasalanan; ang taimtim mong pagdarasal sa AKIN; ang totoo mong pagbabago sa iyong sarili; at ang pagsisikap mong magbalik-loob sa AKIN; - ito ang mga magpapagaling sa iyong sakit at magiging sagot sa iyong mga kahilingan.

 Talikuran mo man AKO; itakwil mo man AKO; sa oras ng iyong pangangailangan, sa oras ng iyong kalungkutan… ng matinding sakit … matinding problema, AKO pa rin ang iyong tatawagin, lalapitan at hihilingan ng tulong. Ano man ang iyong isipin … ang iyong gawin … lahat ng ito’y AKING nakikita at naririnig. Wala kang lihim na maitatago sa AKIN.

 Ang hinihintay KO lang ay ang iyong kusang pagbabalik-loob sa AKIN, anak Mahal na mahal kita, kaya AKO ngayon, ay nagpapa-kilala sa iyo. AKO ang iyong DIYOS AMANG DAKILA.
                                               
MGA DASAL SA PAGSISIYAM
AMA NAMIN

 O Mahal naming DIYOS AMANG DAKILA, KAYO po ang Dakilang Liwanag at Lumikha; and Diyos na totoo at mahiwaga; ang kataas-taasang makapangyarihan sa lahat. Nasa langit po KAYO, nasa lupa at nasa lahat ng iyong ginawa. Sinasamba po namin ang mahal NINYONG Pangalan. Kami po’y INYONG kaawaan at tulungan, upang kami’y makatupad, sa INYONG mga Kautusan ditto sa lupa, gaya din sa langit,. Humihingi po kami ng INYONG mapag-palang Santo Bendisyon, at hiling po namin mabahagian, ng INYONG biyayang laganap sa gabi at araw. Kung ano man po ang aming mga naging kalabisan, kakulangan at kasalanan sa INYO at sa aming kapwa, ay humihingi po kami ng tawad at pagsisisi.
 Humihiling po kami, na mapasama sa buhay na walang hanggan; ang makapag-patawad kami sa mga taong nagkasala sa amin, tulad ng pagpapatawad NINYO sa aming mga kasalanan; ang mapasama po kami sa INYONG kaharian sa langit; at higit sa lahat ay huwag po NINYO kami pababayaang malayo at mawalay, sa INYONG pagmamahal; paglingap; gabay at patnubay. Sa INYONG AWA at TULON, kami po’y lubos na nagtitiwala at nagpapasalamat, Oh Mahal naming DIYOS AMANG DAKILANG Liwanag at Lumikha. AMEN.

PAGLILINIS SA KATAWAN AT KALULUWA

Oh Mahal Panginoong Hesukristo, Diyos na totoo. Nagkatawang tao KAYO, bumaba sa mundo at kami po’y sinakop NINYO. Ako po’y isang makasalanang nangungumpisal sa INYO, Mahal na Panginoong Hesukristo Diyos na makapangyarihan sa lahat. Nagkasala po ako sa kaisipan, sa pag-wika, at sa lahat ng aking mga pagkakasalang hindi kop o napagsisihan ay humihingi po ako ng tawad sa INYO. Bigyang pansin po ninyo ang aking mga kasalanan. Maawa po KAYO at mahabag sa aking pagdaing at pagtawag. Pinagsisisihan ko na po ang lahat ng aking mga naging kasalanan.
 Purihin, pasalamatan at sambahain, sa gabi’t araw ang Mahal NINYONG pangalan, Mahal na Panginoon Hesukristo, na natanim na sa puso, isipan at ala-alal. Humihingi po ako ng INYONG mapagpalang Santo Bendisyon, pagmamahal, biyaya na laganap sa gabi’t araw, at ng buhay na walang hanggan.
 O Mahal na Panginoong Hesukristo, Diyos na makapangyarihan sa lahat; walang hanggang alam, alam po NINYO na sadyang may kahinaan ang katawan kong ito, kaya hinihiling kop ong mabasbasan ng INYONG Banal na Espirito, atsa Inyong kapahintulutan ay makatawag ako sa ating MAHAL NA DIYOS AMANG DAKILANG Liwanag at lumikha, sa pamamagitan NINYO, mahal ko pong Panginoong Hesukristo. AMEN. 

  PANALANGIN SA MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLO

O Mahal ko pong Ina ng lagging Saklolo, tingnan po Ninyo sa Iyong paanan, ang isang kahabag-habag na makasalanang lumalapit sa Inyo. O mahal na Ina ng Awa, kaawaan po Ninyo ako. Batid ko pong Kayo ang takbuhan at pag-asa ng mga makasalanan, kaya hiling ko po na maging takbuhan at pag-asa ko rin Kayo. Tulunagan po Ninyo ako alang-alang sa pag-ibig na ating Mahal na Panginoong Hesukristo. Ibahagi po Ninyo ang Inyong awa sa taong tulad ko, na nagkasala, na ngayon naman ay umaasa at nagbibigay ng walang hanggang paglilingkod sa Inyo.
 Nagbibigay puri po ako sa Inyo at nagpapasalamat sa ating Mahal na DIYOS AMANG DAKILA, ang kataas-taasang makapangyarihan sa lahat, na sa Kanyang awa, ay nagdulot sa akin ng buong pagtitiwala sa Inyo, Mahal na Ina ng Laging Saklolo.
 O Mahal na Ina ng Laging Saklolo, ako po’y lubhang nagkasala sapagka’t nakalimutan kong lumapit sa Inyo. Ngayo’y umaasa po akong magtatagumpay sa Inyong tulong, ngunit ako’y nag-aalala, na sa oras ng tukso ay baka po ako makalimot na tumawag sa Inyo at mapahamak ang aking kaluluwa. Kaya hinihiling ko po ang biyayang, makatawag sa Inyo ng buong taimtim para malabanan ko ang lakas ng impyerno at ng aking kahinaan. O Mahal na Ina ng Laging Saklolo, tulungan po Ninyo ako at huwag po Ninyo akong pabayaang malayo at mawalay sa ating Mahal na DIYOS AMANG DAKILANG Liwanag at Lumikha. Amen

PANALANGIN SA DIYOS ESPIRITO SANTO

Halina, Mahal na Diyos Espirito Santo at punuin po Ninyo ang aking puso ng iyong banal na biyaya.Inyong Banal na biyaya. Ipagkaloob po Ninyo na ang aking kahinaan ay mapalitan ng Inyong lakas, sa araw na ito, para matupad ko ang aking mga tungkulin, ng buong kamalayan at para magawa ko ang lahat nang mabuti at matuwid. Bayaan po Ninyo na ang aking pag-ibig ay lumawak at hindi po ako makasakit ng damdamin ng iba sa pamamagitan ng aking salita. Hinihiling kop o maging maunawain ako para maunawaan ko rin ang mga kasalanan at pgkukulang ng aking kapwa. Tulungan po Ninyo ako, Mahal na Diyos Espirito Santo sa lahat ng mga pagsubok sa buhay. Bigyang liwanag po Ninyo ang aking kawalang alam. Payuhan po Ninyo ako sa panahon ng pag-alinlangan. Plakasin po Ninyo ako sa oras ng aking kahinaan. Ipagtanggol po Ninyo ako laban sa tukso, at aliwin sa kalungkutan.
Dinggin po Ninyo ako, o Mahal na Diyos Espirito Santo, at ibuhos po Ninyo ang Inyong Liwanag, sa aking puso, isipan at kaluluwa. Tulungan po Ninyo akong mabuhay ng Banal at sumulong sa kabutihan at biyaya.
Halina po, Mahal na Diyos Espirito Santo, kasama ang Inyong Liwanag, ang Inyong biyaya, ang Inyong lakas, ang Inyong aliw, ang Inyong pag-ibig; gawin po Ninyo akong malakas at matatag, sa pagsunod sa Inyo. AMEN.

Ang walang sawang pagdarasal mo ng mataimtim; ang palagiang pagtawag mo sa totoo Niyang Pangalan, DIYOS AMANG DAKILA; ang tao puso mong pagsisisi sa iyong mga kasalanan; ang tunay mong pagbabago ng iyong mga maruming kaisipan, masasamang salita at maling Gawain; at ang makatotohanang pagbabalik-loob mo sa ating Mahal na DIYOS AMANG DAKILA; ito ang kabayarang hinihingi Niya sa iyo. Ibabayad mo ang iyong sarili, ang iyong buong pagka-tao. Ikaw ang Kanyang kailangan, ang Kanyang tunay na anak na pinaka-mamahal, na lumayo at tumalikod … na ngayon naman ay humaharap, yumuyuko at humihingi ng Kanyang Kapatawaran.
Ang iyong pag-kilala sa ating DIYOS AMANG DAKILA, ang iyong pag-sunod sa Kanyang mg autos bilang pagpapatunay ng iyong pagmamahal… ito ang relasyong maglalapit sa iyo at n gating Mahal na DIYOS AMANG DAKILA, ang Dakilang Liwanag at Lumikha.



Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Geovisite