search result

Image and video hosting by TinyPic

Saturday, April 25, 2009

mensahe From Kinabuhayan - Mt. Banahaw



= SUSI SA PUSO =
Handa na ba kayo oras na pa kayo ay kausapin ko. Ano-ano ang ginagawa ninyo sa Lupa ako na ang harapin ninyo dito.

= 3 uri lang ang kalalagyan sa langit =
Langit paraiso kaunti ang kasalanan
Parang manok na sisiyap-siyap kalahati ang kasalanan. Malayong malayong lugar Palakang kokak ng kokak ang kahihinatnan.
Abang sa kinabukasan Talaarawan ng-aabiso para maayos kayo
1. PAGTANGGAP SA PAGSILANG BINYAGAN
2. PAGSISIMULA PAG-AARAL, PAGKATO, PAGSUNOD
3. PAKIKISALAMUHA SA TAO PAGKITA SA MATUWID
4. IDILAT ANG MATA SA NAKITA LUMAYO SA PAGKAKASALA
5. BATAS NG DIYOS MAGSUKLIAN MAG-IBIGAN TAYO
6. GUMANAP NG TUNAY NA TAO ITAYO ANG PAGKATAO
7. HUSTUHIN ANG TIMBANG AT HUWAG MANDAYA
8. MAGING ALISTO NG HINDI MAPAGBINTANGAN
9. PANAHON NA NGAYON NG ESPIRITO SANTO
10. BATAS NG DIYOS UNAWAAN KABABAAN MAKABULUHAN
11. TUMUPAD SA SUMPA AT SA IYONG MGA IPINANATA
12. KAYA NAGKAKAROON NG KAPARUSAHAN DAHIL SAKAPABAYAAN
13. DI BALING MA-IGSI ANG SALITA MAKATOTOHANAN LANG
14. KAYA MAHALAGA ANG BAGAY AY KUNG NAWALA NA
15. KUNG MAY PAGSIKAT AY MAYROON DING PAGLUBOG
16. MATALIK NA KAIBIGAN MAHIGPIT NA KAAWAY
17. ANG PAG-IBIG SA ISANG TAO NAKIKITA SA SALITA DI GAWA
18. IPAGLABAN ANG SARILI KUNG IKAW AY NASA MATUWID
19. SAMPUNG (10) BESES ISIPIN AT PAG-ARALAN BAGO ITO GAWIN
20. ANG SINUNGALING AY KAPATID NG MAGNANAKAW
21. MAHIRAP HUMANAP NG MAPAGKAKATIWALAAN MAG-INGAT
22. MADALING MAGING TAO, MAHIRAP MAGPAKATO
23. ANG TAO HANGGANG MAYAMAN MARAMING KAIBIGAN
24. KUNG ANO ANG MAGAGAWA MO NGAYON HUWAG IBUKAS PA
25. PILIIN ANG PAGKAKATIWALAAN SA TUNGKULIN PWESTO
Papel Kasulatan ingatan xerox palaging iwanan 

Kayo ay nalalagay sa tungkulin gawin ang magagawa sa pinagkatiwala sa inyo
26. ANG PAGGALANG SA TAO NAKIKITA SA DAMIT
27. KUNG MAY DILIM LIWANAG AY DARATING
28. ANG NAGKASALA AY PARURUSAHAN BAGO PATAWARIN
29. DI DAPAT PADALA SA TAMIS NG DILA ITO’Y HUWAD
30. HAYAANG MANINDIGAN SA KANYANG KAKAYAHAN 
31. PANALO KAYO SA LUPA, SA PUWESTO KO KAYO’Y TALO
32. TUMUPAD SA TUNGKULIN IPINAGKALOOB NG DIYOS
33. TUMUPAD SA PINAG-USAPAN AT KASUNDUAN
34. ANG IMPORTANTE ANG DINIDINIG NG DIYOS
35. ANG WALANG KABULUHAN AY DI NIYA TINUTUGON
36. UGALIING MAGSINDI NG KANDILA SA TUWING MAGDARASAL
37. ANG MANANG SALAPI AY NAUUBOS KAYA PAG-INGATAN
38. ANG DIYOS AY NAKAKAUSAP AYON SA PANINIWALA
39. HUWAG PABUYO SA PAG-IBIG PAG-ARALAN MABUTI
40. HUWAG MAGING MAINIT SA TAWAG NG KAMUNDUHAN
41. MAGPAKALIGAYA KAYO SA BUHAY PERO INYONG ISAAYOS
42. MAGING MABUTING TAO SA ISIP SA SALITA AT SA GAWA 
43. NASA UNA ANG PAGSUBOK NASA HULI ANG TAGUMPAY
44. ANG UTANG NABABAYARAN MASAMANG SALITA DI MALILIMUTAN
45. ANG DIYOS AMA ANG SASAKYAN NG MGA TAO TUNGO SAPARAISO
46. ANG MAHAL NA BIRHENG MARIA ANG INYONG MAKAKASAMA 
47. ANG BUGTONG NA ANAK MAGAHAHATID SA INYO SA PARAISO
48. ISAKATUPARAN NG MGA TAO ANG MGA MENSAHING ITO 
49. PAG-SISIHANG ANG NAGAWANG MGA KASALANAN HABANG BUHAY 
50. DINIG KO ANG DASAL NINYO PINAGBUKSAN KO NA KAYO NG PINTO KO
Oras ay ginto huwag mag aksaya ng panahon

ARAL NG DAKILANG MANGGAGAMOT

BAKIT KA NARIRITO?

Naririto ka sapagkat pinadala kita ditto, anak. Naririto ka para mamulat ka sa katotohanan- katotohanang matagal mo nang iniiwasan at binabale-wala. Ang sakit mong nararamdaman ngayon ay hindi parusa kungdi tanda ng AKING pagmamahal, para hindi ka malayo sa AKIN, at daan lang para ma-alala mo AKO muli.

GUSTO MO BANG GUMALING?

 Kung kagalingan ang hanap mo, handa AKONG tumulong. Nakasalay ngayon ang iyong kagalingan sa tatlong (3) bagay, na hihilingin KO sa iyo.

ANU-ANO ANG MGA DAPAT MONG GAWIN?

 UNA - Magdadasal ka ng siyam (9) na araw, sa loob ng simbahang katoliko, araw-araw, walang patid, maski na sa anong oras, sa bawat araw. Bawa’t araw na ginagawa mo ito ay – 1) lumilinaw ang iyong kaisipan, 2) nababawasan ang iyong karamdaman, at 3) nababawasan ang iyong mga kasalanan. Ito’y tanda ng ATING muling pagkilala sa isat’t-isa; isang panibagong simula patungo sa pagkakaroon NATIN ng ISANG TUNAY NA RELASYON.

 PANGALAWA – Babaguhin mo ang iyong ugali o katauhan. Babaguhin mo ang iyong masamang isip, maruming salita at maling gawa. Ito’y tanda ng iyong totoong pagsisikap na linisin at baguhin ang iyong sarili, bilang handog sa AKIN tuwing ikaw ay haharap at makikipag-usap sa AKIN sa iyng pagdarasal.

 PANGATLO – Sa taos-puso mong pagsisisi sa iyong mga kasalanang nagawa; sa taimtim mong pagdarasal at pagsambit ng AKING PANGALAN; at sa pagtupad mo sa AKING mga SAMPUNG UTOS; ito’y tanda na seryoso kang nagbabalik-loob sa AKIN.

 TANDAAN MO ANAK – ang taos-puso mong pagsisisi sa iyong mga kasalanan; ang taimtim mong pagdarasal sa AKIN; ang totoo mong pagbabago sa iyong sarili; at ang pagsisikap mong magbalik-loob sa AKIN; - ito ang mga magpapagaling sa iyong sakit at magiging sagot sa iyong mga kahilingan.

 Talikuran mo man AKO; itakwil mo man AKO; sa oras ng iyong pangangailangan, sa oras ng iyong kalungkutan… ng matinding sakit … matinding problema, AKO pa rin ang iyong tatawagin, lalapitan at hihilingan ng tulong. Ano man ang iyong isipin … ang iyong gawin … lahat ng ito’y AKING nakikita at naririnig. Wala kang lihim na maitatago sa AKIN.

 Ang hinihintay KO lang ay ang iyong kusang pagbabalik-loob sa AKIN, anak Mahal na mahal kita, kaya AKO ngayon, ay nagpapa-kilala sa iyo. AKO ang iyong DIYOS AMANG DAKILA.
                                               
MGA DASAL SA PAGSISIYAM
AMA NAMIN

 O Mahal naming DIYOS AMANG DAKILA, KAYO po ang Dakilang Liwanag at Lumikha; and Diyos na totoo at mahiwaga; ang kataas-taasang makapangyarihan sa lahat. Nasa langit po KAYO, nasa lupa at nasa lahat ng iyong ginawa. Sinasamba po namin ang mahal NINYONG Pangalan. Kami po’y INYONG kaawaan at tulungan, upang kami’y makatupad, sa INYONG mga Kautusan ditto sa lupa, gaya din sa langit,. Humihingi po kami ng INYONG mapag-palang Santo Bendisyon, at hiling po namin mabahagian, ng INYONG biyayang laganap sa gabi at araw. Kung ano man po ang aming mga naging kalabisan, kakulangan at kasalanan sa INYO at sa aming kapwa, ay humihingi po kami ng tawad at pagsisisi.
 Humihiling po kami, na mapasama sa buhay na walang hanggan; ang makapag-patawad kami sa mga taong nagkasala sa amin, tulad ng pagpapatawad NINYO sa aming mga kasalanan; ang mapasama po kami sa INYONG kaharian sa langit; at higit sa lahat ay huwag po NINYO kami pababayaang malayo at mawalay, sa INYONG pagmamahal; paglingap; gabay at patnubay. Sa INYONG AWA at TULON, kami po’y lubos na nagtitiwala at nagpapasalamat, Oh Mahal naming DIYOS AMANG DAKILANG Liwanag at Lumikha. AMEN.

PAGLILINIS SA KATAWAN AT KALULUWA

Oh Mahal Panginoong Hesukristo, Diyos na totoo. Nagkatawang tao KAYO, bumaba sa mundo at kami po’y sinakop NINYO. Ako po’y isang makasalanang nangungumpisal sa INYO, Mahal na Panginoong Hesukristo Diyos na makapangyarihan sa lahat. Nagkasala po ako sa kaisipan, sa pag-wika, at sa lahat ng aking mga pagkakasalang hindi kop o napagsisihan ay humihingi po ako ng tawad sa INYO. Bigyang pansin po ninyo ang aking mga kasalanan. Maawa po KAYO at mahabag sa aking pagdaing at pagtawag. Pinagsisisihan ko na po ang lahat ng aking mga naging kasalanan.
 Purihin, pasalamatan at sambahain, sa gabi’t araw ang Mahal NINYONG pangalan, Mahal na Panginoon Hesukristo, na natanim na sa puso, isipan at ala-alal. Humihingi po ako ng INYONG mapagpalang Santo Bendisyon, pagmamahal, biyaya na laganap sa gabi’t araw, at ng buhay na walang hanggan.
 O Mahal na Panginoong Hesukristo, Diyos na makapangyarihan sa lahat; walang hanggang alam, alam po NINYO na sadyang may kahinaan ang katawan kong ito, kaya hinihiling kop ong mabasbasan ng INYONG Banal na Espirito, atsa Inyong kapahintulutan ay makatawag ako sa ating MAHAL NA DIYOS AMANG DAKILANG Liwanag at lumikha, sa pamamagitan NINYO, mahal ko pong Panginoong Hesukristo. AMEN. 

  PANALANGIN SA MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLO

O Mahal ko pong Ina ng lagging Saklolo, tingnan po Ninyo sa Iyong paanan, ang isang kahabag-habag na makasalanang lumalapit sa Inyo. O mahal na Ina ng Awa, kaawaan po Ninyo ako. Batid ko pong Kayo ang takbuhan at pag-asa ng mga makasalanan, kaya hiling ko po na maging takbuhan at pag-asa ko rin Kayo. Tulunagan po Ninyo ako alang-alang sa pag-ibig na ating Mahal na Panginoong Hesukristo. Ibahagi po Ninyo ang Inyong awa sa taong tulad ko, na nagkasala, na ngayon naman ay umaasa at nagbibigay ng walang hanggang paglilingkod sa Inyo.
 Nagbibigay puri po ako sa Inyo at nagpapasalamat sa ating Mahal na DIYOS AMANG DAKILA, ang kataas-taasang makapangyarihan sa lahat, na sa Kanyang awa, ay nagdulot sa akin ng buong pagtitiwala sa Inyo, Mahal na Ina ng Laging Saklolo.
 O Mahal na Ina ng Laging Saklolo, ako po’y lubhang nagkasala sapagka’t nakalimutan kong lumapit sa Inyo. Ngayo’y umaasa po akong magtatagumpay sa Inyong tulong, ngunit ako’y nag-aalala, na sa oras ng tukso ay baka po ako makalimot na tumawag sa Inyo at mapahamak ang aking kaluluwa. Kaya hinihiling ko po ang biyayang, makatawag sa Inyo ng buong taimtim para malabanan ko ang lakas ng impyerno at ng aking kahinaan. O Mahal na Ina ng Laging Saklolo, tulungan po Ninyo ako at huwag po Ninyo akong pabayaang malayo at mawalay sa ating Mahal na DIYOS AMANG DAKILANG Liwanag at Lumikha. Amen

PANALANGIN SA DIYOS ESPIRITO SANTO

Halina, Mahal na Diyos Espirito Santo at punuin po Ninyo ang aking puso ng iyong banal na biyaya.Inyong Banal na biyaya. Ipagkaloob po Ninyo na ang aking kahinaan ay mapalitan ng Inyong lakas, sa araw na ito, para matupad ko ang aking mga tungkulin, ng buong kamalayan at para magawa ko ang lahat nang mabuti at matuwid. Bayaan po Ninyo na ang aking pag-ibig ay lumawak at hindi po ako makasakit ng damdamin ng iba sa pamamagitan ng aking salita. Hinihiling kop o maging maunawain ako para maunawaan ko rin ang mga kasalanan at pgkukulang ng aking kapwa. Tulungan po Ninyo ako, Mahal na Diyos Espirito Santo sa lahat ng mga pagsubok sa buhay. Bigyang liwanag po Ninyo ang aking kawalang alam. Payuhan po Ninyo ako sa panahon ng pag-alinlangan. Plakasin po Ninyo ako sa oras ng aking kahinaan. Ipagtanggol po Ninyo ako laban sa tukso, at aliwin sa kalungkutan.
Dinggin po Ninyo ako, o Mahal na Diyos Espirito Santo, at ibuhos po Ninyo ang Inyong Liwanag, sa aking puso, isipan at kaluluwa. Tulungan po Ninyo akong mabuhay ng Banal at sumulong sa kabutihan at biyaya.
Halina po, Mahal na Diyos Espirito Santo, kasama ang Inyong Liwanag, ang Inyong biyaya, ang Inyong lakas, ang Inyong aliw, ang Inyong pag-ibig; gawin po Ninyo akong malakas at matatag, sa pagsunod sa Inyo. AMEN.

Ang walang sawang pagdarasal mo ng mataimtim; ang palagiang pagtawag mo sa totoo Niyang Pangalan, DIYOS AMANG DAKILA; ang tao puso mong pagsisisi sa iyong mga kasalanan; ang tunay mong pagbabago ng iyong mga maruming kaisipan, masasamang salita at maling Gawain; at ang makatotohanang pagbabalik-loob mo sa ating Mahal na DIYOS AMANG DAKILA; ito ang kabayarang hinihingi Niya sa iyo. Ibabayad mo ang iyong sarili, ang iyong buong pagka-tao. Ikaw ang Kanyang kailangan, ang Kanyang tunay na anak na pinaka-mamahal, na lumayo at tumalikod … na ngayon naman ay humaharap, yumuyuko at humihingi ng Kanyang Kapatawaran.
Ang iyong pag-kilala sa ating DIYOS AMANG DAKILA, ang iyong pag-sunod sa Kanyang mg autos bilang pagpapatunay ng iyong pagmamahal… ito ang relasyong maglalapit sa iyo at n gating Mahal na DIYOS AMANG DAKILA, ang Dakilang Liwanag at Lumikha.



Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Geovisite